Hindi na pala talaga kayo nagkabalikan nyang boyfriend mo na yan noh? Nakadantay ako sa motor ko habang hinihithit ang sigarilyo ko habang nakatingin sa lalaking minahal at hanggang ngayon ay mahal ko parin. sayang kayo. hindi na talaga? sandaling namayani ang katahimikan pero sinagot ko rin ang tanong nya. hmmm. bago ka manghinayang, ay mas lalong nanghihinayang ako dahil alam kong ako ang nagsayang. hindi mo sinabi sa kanya yung dahilan mo? hmm hindi na, sa tingin ko naman ay hindi na kelangan at hindi na rin nya gusto pang malaman. sabay pitik nang sigarilyo at sakay sa motor, sa huling pagkakataon ay tinignan ko syang tumatawa at masaya na may kasama nang iba.